Una sa Balita

7-anyos na Fil-British nag-donate ng buhok para sa charity

0 241

KAHIT sa murang edad, hinog na ang kaisipan ng isang 7-anyos na Filipino-British pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga na­ngangailangan.

Noong malaman ni Rapha Torres ang adbokasiya ng Little Princess Trust, hindi siya nagdalawang isip na ipaputol ang mahabang buhok upang mai-donate ito sa charity.

Ang nasabing cha­rity ang nagbibigay ng libreng buhok sa mga bata at mga adult hanggang 24-anyos na nawalan ng buhok dahil sa kanser o iba pang sakit.

Si Rapha ay Year 2 student ng St. Ai­dan Roman Catholic School sa England.

Sagradong katoliko ang pamilya ni Rapha at aktibo sa charity event ng kanilang simbahan tulad ng Operation Christmas Child kung saan nagpapadala sila ng mga laruan sa mga kapuspalad.

Nangako naman si Rapha na muling i-donate ang kanyang buhok kapag ito’y humaba ulit at hihikayatin niya ang mga kaklase na makiisa sa kanyang pagkawanggawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy