Una sa Balita

7.5MWP Romblon solar project pasisinayaan ni Duterte

0 522

NAKATAKDANG pasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles, Agosto 21, ang 7.5 MWp Tumingad Solar Power Project sa Odiongan, Tablas Island, Romblon.

Ang nasabing power plant ay dinevelop ng SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC) bilang isa sa component ng pinakamalaking Hybrid Solar-Diesel Microgrid with Battery sa bansa. Magsisimula ang operasyon nito sa Setyembre 2019.

Inimbitahan ni Ako Bicol Party-list Elizaldy Co si Pangulong Duterte para maging keynote speaker sa inagurasyon ng nasabing power plant.

Malaking tulong ang planta sa mga naninirahan sa Tablas island dahil mula noong 2012 ay araw-araw nagdurusa sa brownout ang 43,400 pamilya sa isla dahil sa limi­tadong supply ng kuryente mula sa mga Small Power Utility Group (SPUG) ng National Power Corporation.

Dahil sa nasabing planta, 3 milyong litro ng fossil fuel ang matitipid at mababawasan din ang carbon emmission ng 6.5 million kilogram kada taon.

Tinatayang P180 milyon din ang matitipid ng gobyerno kada taon mula sa subsidy at universal charge ng missionary electrification.

“With an 8.92 hectare lot area, the power plant is committed to providing clean, green, and reliable electricity to power 43,400 households in Tablas Island.” ayon sa statement ng kompanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy