Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6K Pinoy detainee sa Sabah, pinasasagip

0 79

Humirit ang pamilya ng 6,000 mga Pilipino na naka-detain ngayon sa Sandakan (Malaysia) Immigration Holding Center sa Sabah na saklolohang mapauwi na ng gobyerno sa bansa.

Nabatid na ilan umano sa nakadetine ay mga bata at kababaihan na sinasabing nagkakasakit na at nagugutom. Karamihan umano sa mga ito ay mga taga-Sulu at Tawi-Tawi.

Sa pahayag naman ng Philippine Embassy sa Malaysia, kaya tumatagal umano ang pagproseso sa mga dokumento ay dahil sa walang konsulado sa Sabah na dinagdagan pa ng mga health protocol at restrictions dulot ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.