6K nag-rally sa Surigao mining

By

Bilang pagpapakita ng pagkontra, higit sa 6,000 manggagawa ng mga minahan, mga katutubo at ibang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang nagsagawa ng kilos protesta sa gitna ng ulan sa Cantilan, Surigao Del Sur.

Inilunsad ang nasabing protesta bunsod ng kautusan ni Environment Secretary Gina Lopez na pagpapasara sa mahigit 20 minahan sa bansa.

Napag-alaman na sa naturang lalawigan matatagpuan ang tatlo sa 23 minahan na ipinasara ni Lopez, kabilang na ang dalawa sa bayan ng Carrascal at isa sa bayan ng Cantilan.

Iginigiit ng grupo na ang aksyon ni Lopez ay hindi makatarungan dahil labis itong nakakaapekto sa kanilang kabuhayan kung saan marami sa kanilang mga pamilya ang muling magugutom at mapipilitang mamundok muli kung mawawalan ng trabaho bunga ng closure order.

Base sa talaan ng lokal na pamahalaan ng Cantilan, aabot sa 7,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa kanilang lugar kapag naipatupad na ito.


SHARE