Una sa Balita

6K apektado ng pagbaha sa Cagayan

0 296

UMABOT sa 1,259 na pamilya o binubuo tinatayang nasa 5,774 na indibidwal mula sa 14 na bayan ng Cagayan ang apektado ng pagbaha at landslide dahil sa patuloy na pag-ulan, ayon sa Provincial Climate Change and Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO).

Sa impormasyon mula sa PCCDRRMO, ayon kay Task Force Lingdod Cagayan head Rueli Rapsing, mula sa nasabing bilang, 758 na pamilya na may 3,362 na indibidwal ang nasa 24 na iba’t ibang evacua­tion center sa probinsiya.

Samantala, nasa 165 na pamilya naman na may 3,976 indibidwal ang pansamantalang nakitira sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.

Sinuspinde pa rin ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan, mula noong Biyernes sa buong lalawigan ng Cagayan.

Bukod dito, ipinatupad na rin ng pamahalaang panlalawigan ang ‘liquor ban’ sa buong Cagayan.

Dahil dito, nasa ilalim na ng state of calamity ang Isabela dahil sa mala­wakang pinsalang dulot sa agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy