Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

69-anyos kumubabaw sa misis ni kagawad, todas

0 156

PATAY ang 69-anyos na lolo nang mahuli sa akto ng kagawad na nakakubabaw at katalik ang kanyang asawa sa Ilocos Sur.

Sa report pinagsusuntok at saka tinusok ng kahoy sa mukha ang lolo.

Nangyari ito nitong Linggo sa Barangay Matallucod sa bayan ng Sigay, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, pag-uwi ng suspek sa bahay ng kabiyak ay naaktuhan niya ang kanyang misis at biktima na nagtatalik.

Biglang nagdilim ang paningin ng suspek, pinagsusuntok nito ang matanda at tinusok ng mahigit 4 pulgadang kahoy sa ulo.

Nabatid na bagama’t mag-asawa ay hindi na magkasama sa iisang bahay ang dalawa.

Inamin naman ng suspek ang krimen. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.