Una sa Balita

68 dugyot na pabrika sa Luzon kinandado

By
0 557

UMAABOT na sa mahigit 60 establisimyento ang naipasara ng Environmental Management Bureau (EMB) sa Region 3 dahil sa paglabag sa mga environmental law simula nang umpisahan ng pamahalaan ang rehabilitasyon sa Manila Bay noong Enero.

Sinabi ni EMB Regional Dir. Lormelyn Claudio na may 68 establisimyento ang naisyuhan nila ng cease and desist order simula noong Enero 25 hanggang Pebrero 15 ng taong ito.

Karaniwang paglabag aniya ang kawalan ng mga ito ng water treatment facility at pag-o-ope­rate nang walang environmental compliance ­certificates (ECC) na isang paglabag sa Clean Water Act ng Department of Environment and Natural ­Resources (DENR).

Para matiyak na hindi dadaloy sa baybayin ang maruming tubig na itinatapon ng mga establisim­yento, sinabi ni Claudio na sinemento nila ang ­lahat ng drainage canal sa paligid ng mga ito.

Sa 68 closure order na ipinalabas ng EMB, 57 ang na-isyu sa Bulacan, 9 sa Bataan at 2 sa ­Pampanga.

Karamihan sa mga ito ay nakasentro ang operasyon sa mga fish pond, leather factory, restaurant, chicken dressing plants at mga hotel.

Bukod sa polusyon, sinabi ng EMB na mapa­nganib din sa kalusugan ng mga residente ang ope­rasyon ng mga pabrika dahil sa usok at mabahong amoy na sumisingaw sa paligid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy