Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

67 pang Pinoy abroad na-COVID

0 122

Pumalo na sa 23,384 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa nang makapagtala ng panibagong 67 kaso.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay pumalo na sa 8,332 ang bilang ng aktibong mga kaso.

Nasa 13,663 naman ang mga Pilipinong nakarekober na sa nasabing virus habang umabot na sa 1,389 ang nasawi.

Sa Middle East at Africa pa rin ang naitalang may pinakamataas na kumpirmadong kaso ng

COVID sa mga Pinoy.

Kasunod nito ang Asia Pacific Region na may 5,577 cases, Europe na may 3,651 cases, at America, 1,036 cases.

Leave A Reply

Your email address will not be published.