Una sa Balita

656 pamilya inilikas sa AFP, NPA encounter sa Mountain Province

0 376

NASA 656 na pamilya ang inilikas dahil sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) sa Mountain Province kamakailan.

Ang sagupaan ng Cordillera Police Regional Public Safety Battalion (RPSB) at miyembro ng NPA ay nangyari noong Marso 29 sa taong kasalukuyan sa mga lugar ng Mt. Kapuwaw, Sitio Mabalagan, Bagnen Proper, Bauko, Mountain Province.

Base sa ulat ng RPSB, nagkaroon din ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng rebelde noong Abril 2 sa Sitio Malupa, Abatan sa Bauko at sa Cabunagan, Tabian, Mountain Province na kung saan apektado ang mahigit na 1,732 na indibidwal.

Dahil sa nasabing bakbakan ng militar at mga rebelde, ang mga magsasaka at turis­mo sa mga nasabing lugar ay sinara muna na labis na nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente doon. (Allan ­Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy