Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

650 pamilyang squatter sa Baseco magkakasariling lote

0 488

Mapapasakamay na ng may 650 pamilyang squatter sa Baseco, Maynila ang mga lupang kanilang inookupa sa hinaharap.

Ito ay matapos na iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay city engineer Armand Andres na bumuo ng plano para mapaghati-hati ang isang hektaryang lupain sa ilang bloke para maipamahagi ng 4 hanggang limang metro sa kada pamilya.

Ayon kay Moreno, ang nabanggit na lote ay ibu-buldozered at papatagin saka hahatiin sa bloke nang sa gayon at magkaroon ng kalsada at makapasok ang firetruck at iba pang sasakyan.

Nalaman na ang nabanggit na lugar ay nasunog noong nakalipas na buwan at dahil hindi makapasok ang mga bumbero maraming bahay ang natupok.

Sa sandaling mapatag ang lugar ay ia-award na ang mga lote sa bawat pamilya at lalagyan na ng titulo sa kondisyon na hindi nila ito maaaring ibenta. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.