Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

64 biyahero bantay-sarado sa Omicron

0 136

Inanunsiyo kahapon ng Department of Health (DOH) na mayroong 64 biyahero ang binabantayan ngayon ng Bureau of Quarantine kaugnay na rin ng pinangangambahang pagkalat ng Omicron variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang biyahero ay galing sa South Africa na pasok sa mga bansang nasa `red list’ ng pamahalaan.

Subalit nilinaw ni Vergeire na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Patuloy rin aniya ang ginagawang pag-back trace ng pamahalaan para sa mga indibiduwal na galing o dumaan sa mga bansang nasa `red list’.

Ayon kay Vergeire, mahigpit ang kanilang monitoring ngayon sa mga dumarating galing sa ibang bansa sa harap na rin ng banta ng bagong COVID variant.

Mayroon na rin umano silang mga COVID-19 sample na isinasailalim sa genome sequencing at posibleng malaman ang resulta ng pagsusuri sa mga ito ngayong Biyernes o bukas, Sabado. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.