Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

63 manok tigok sa ingay ng banda

0 47

Nagsampa ng reklamo ang isang poultry farm owner sa India matapos umanong mamatay ang 63 sa kanyang mga ala­gang manok nang dumaan ang isang parada na sobrang ingay ng musika.

Ayon sa ulat ng Times of India, dumaan noong Linggo sa farm ni Ranjit Kumar Parida ang parada na mula sa isang kasalan na sobrang lakas umano ng tugtog ng musika.

Tinangka pa umano niyang pakiusapan ang mga ito na hinaan ang kanilang tugtog ngunit dinedma lamang siya.

Tumagal ng 15 minuto bago nakalagpas sa farm ni Parida ang parada.

Ngunit nagtaka na lamang umano siya dahil pagkalampas ng parada sa farm ay bigla na lamang bumulagta ang ilan sa kanyang mga alagang manok. Wala umanong sakit ang mga ito.

Kinabukasan, pinapunta­ umano niya ang ilang mga beterinaryo at sinabi sa kanya na atake sa puso ang ikinamatay ng 63 manok.

Kaya naman nagtungo si Parida sa pulisya para ireklamo ang nangyari, lalo’t Rs 25,000 umano ang halaga ng nalugi sa kanya dahil sa pagkamatay ng mga manok. (Mark ­Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.