Una sa Balita

62 sulong ni J.M. Miciano nagpasuko kay GM Ikonnikov

By
0 261

NIYANIG ni Internatio­nal Master John Marvin Miciano si fifth seed GM Vyacheslav Ikonnikov ng Russia matapos ang upset win sa round five ng 22nd Hogeschool Zeeland chess tournament sa Vlissingen, Netherlands, Martes nang gabi.

 
Nagtala ng malaking panalo si 17-year-old Miciano matapos ang 62 moves ng super-sharp King’s Indian upang masolo ang tuktok kapit ang malinis na limang puntos.

Tangan ang itim na piyesa, inatake ni Miciano ang king side ni Ikonnikov upang magkumahog ang kalaban at mangupete sa event na ipinatutupad ang nine-round Swiss system.

May 2381 ELO rating si Miciano, pihadong malaki ang iuumento nito dahil dalawang sunod na malaking isda ang nabingwit.

Si Miciano, na sinagot ng Philippine Sports Commission at Far Eastern University ang gastos sa kanyang kampan­ya, ay makakalaban sa round six si top seed GM Sandro Mareco ng Argentina.

Nagwagi naman si Woman GM Janelle Mae Frayna kay Swiss Duke Kreutzmann upang ilista ang 3.5 points. Sunod na kalaban ng Pinay chesser si Dutch Robert Oosting.

Tabla naman ang laro ni GM Jayson Gonzales kay IM Marcel Peek ng Netherlands na nakalikom ng apat na puntos.