Una sa Balita

62 bata ni Gloria sabit sa dagdag-bawas sa 2019 budget

By
0 607

IBINUNYAG ni Senate Minori­ty Leader Franklin Drilon na 62 kongresista ang apektado ng manipulasyon ng panukalang 2019 national budget kahit tapos na ang ratification ng bicameral conference committee meeting.

Sinabi ni Drilon na batay sa pahayag ng dalawang kongresista mula sa Luzon at Mindanao, hindi simpleng itemization ang ginagawa ng Kamara kundi realignment.

“They asserted that 62 congressmen are affected by these realignments, not only itemization,” diin ni Drilon.

Hihilingin ni Drilon sa House Committee on Appropriations na bigyan sila ng kopya ng mga de­talye ng mga pagbabago sa pondo kasabay ng paalala na hindi na dapat baguhin ang inaprubahan na sa bicam.

“If the HoR would want to realign and change certain allocations in the HoR, my suggestion is that, when we reconvene on May 20, we reconsider the ratification of the bicam report on the budget and reconvene the bicam and correct the alleged revisions in the final bicam report,” saad ni Drilon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy