Una sa Balita

611 Bulakenyo nag-summer sports clinic

0 223

MAY kabuuang 611 kabataang Bulakenyo ang nagmartsa sa PGB Summer Sports Clinic Mass Graduation and Sportsfest sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Huwebes ng hapon sa Malolos.

Ang summer clinic ay taunang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office at nagdaos ng aikido, swimming, badminton, basketball, chess, dance sports, football, gymnastics, taekwondo, lawn tennis at volleyball.

Tumanggap ng medalya tapos manalo sa kani-kanilang kumpetisyon ang ilan sa mga nag-sports clinic.

Sa mensahe na binahagi ni Chief of Staff Antonio del Rosario, pi­nuri ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang pagsisikap ng mga magulang at patuloy na pagsuporta sa kanilang mga anak upang makamit ang mga pangarap sa buhay.

“Magpasalamat tayo sa ating mga magulang sa kanilang suportang pinakita ngayong araw. Nawa ay maging makabuluhan ang pagtatapos ng Summer Sports Clinic at maipagpatuloy ninyo (mga bata) ang disiplina at mga kaalamang inyong natutunan sapagkat mahalagang bahagi ito patungo sa pagiging mabuting mamamayan,” ani Del Rosario. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy