Una sa Balita

61 patay sa pagbaha sa China

0 376

UMABOT sa 61 katao ang nasawi habang 356,000 ang lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa malakas na ulan at pagbaha sa malaking bahagi ng southern at central China.

Sa ipinalabas na ulat ng Ministry of Emergency Management ng China kahapon, nasa 9,300 bahay ang bumigay at 3.71 milyong ektarya ng sakahan ang nawasak dahil sa matinding pagbaha.

Dahil dito naitala sa 13.35 billion yuan o katumbas ng $2.64 billion ang napinsala.

Mahigit naman sa 4,300 katao ang na-rescue mula sa baha na nakaapekto sa mga rehiyon ng Guangdong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy