Una sa Balita

61 na ang patay sa tigdas sa Calabarzon

By
0 465

UMAKYAT na sa 61 ang bilang ng namamatay sa tigdas sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) habang pa­tuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso na uma­bot na sa 2,494 na may Cumulative Frequency Rate (CFR) na 2.5% hanggang kahapon nang tanghali.

Sa bagong ipinalabas na Measles quick count ng DOH-Calabarzon, simula kahapon ng alas-12:00 nang tang­hali ay umakyat na sa 61 ang naitalang namatay habang umabot na sa 2,494 ang bilang ng kaso mula sa dating 2,427.

Sa datos, ang Rizal pa rin ang may pinakamataas na bilang ng namamatay sa tigdas na umabot sa 42 at may 1,293 na kaso; sumunod ang Cavite na 8 at may 360 na kaso; Laguna na 7 at may 346 na kaso, Batangas na may 3 namatay at 258 na kaso at isa sa Quezon na may 237 na kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy