Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

60K Pinoy bumoto sa Dubai, pinakamarami simula 2004

0 47

Umabot sa kabuuang 60,393 overseas Filipinos worker (OFW) ang bumoto sa Philippine Consulate General (PCG) sa Dubai sa idinaos na 2022 Overseas Voting mula noong Abril 10 hanggang Mayo 9, 2022.

Ayon kay Consul-General Renato N. Dueñas Jr., ito na ang pinakamataas na bilang ng mga overseas voter sa Middle East simula nang ipatupad ang overseas absentee voting noong 2004.

Sa isang abiso, sinabi ng PCG na 31.49 porsiyento ng 191,779 rehistradong botante ang nasa Dubai at Northern Emirates kung saan pinakamarami ang mga overseas voter sa hanay ng Philippine foreign service posts sa buong mundo.

Noong 2016 presidential election, may kabuuang 37,950 OFW ang nakaboto at 30.8 porsiyento ito ng 122,953 registered overseas voters sa Philippine Consulate General sa Dubai.

“This record turnout is a testament to the keenness of overseas Filipinos in Dubai and Northern Emirates to participate in the democratic process of elections in the Philippines, and make their voice heard in choosing which path our country should take in the next six years,” ani Dueñas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.