Una sa Balita

60K OFW napauwi ng gobyerno

By
0 714

Ipinagmalaki kaha­pon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot na sa mahigi­t sa tatlumpung porsi­yento ang itinaas na bilang ng mga pina-uwing mga overseas Filipino worke­r (OFW) mula sa Russia, mula Enero hanggang Hunyo ng taon kasalukuyan.

Ayon sa DFA, ang nasabing porsiyento ay kung ikukukumpara sa naitala noong taong 2017 sa katulad ding buwan.

Sa unang kalaha­ting taon ng 2018 hindi bababa sa 60,000 OFW ang pinauwi ng Philippine Embassy sa Moscow.

Kabilang dito ang mga expired o pasong dokumento at rehistro, kaya hindi makalabas ng Russia.

Kinakailangan ng mga naturang OFW na magpatulong sa embahada ng Pilipinas, para maiwasan na sila ay maaresto at makulong bago ang deportation sa kanila.

Sinabi ni Ambassador to Russian Federa­tion Carlos Soreta na maraming OFW pa ang nagpapatulong sa embahada dahil nahihirapan sila na maproseso ang kanilang mga dokumento.

Ito ay bunsod ng umano’y hindi maintindihang wika ng mga Ruso.

Tiniyak naman ni Soreta na nagpapatuloy pa rin ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng katuparan ang ‘Bilateral Labor Agreement’ na magiging gabay sa deployment ng mga OFW sa Russia. (Armida Rico)