Una sa Balita

60K namasko kay Digong sa Davao

0 2,225

Dumagsa ang libo-libong katao sa ancestral home ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Central Park Subdivision sa Bangkal, Davao City para sa taunang gift giving.

Ayon sa Davao City Police Office, higit sa isang kilometro ang haba ng pila ng gustong makatanggap ng regalo mula kay Pangulong Duterte, kung saan ang iba ay doon na natulog noong Lunes ng gabi pa lamang.

Isang matanda naman ang natumba nang tamaan ng pangharang dahil sa pagtutulakan ng mga tao.

Upang hindi magkaroon ng kaguluhan sa pila, naglagay pa ng registration area sa loob ng subdivision.

Ang bawat nakakatanggap ng regalo, nilalagyan ng indelible ink ang hintuturo upang hindi na makabalik sa pila at madoble ang makuhang regalo.

Nakagawian na ng pamil­ya Duterte ang pamimigay ng regalo tuwing araw ng Pasko, pero mas marami ang namamasko sa mga taong naging Pangulo ito ng bansa.

Sa Davao City nag-noche buena ang pamilya ni Pa­ngulong Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy