Una sa Balita

60,000 sako ng bigas nasabat sa Zamboanga

By
0 911

Nasabat ng Philippine Coast Guard ang 60,000 sako ng mga smuggled rice sa karagatan ng Olutanga sa ­Zamboanga Sibugay province sa Western Mindanao.

Tinatayang aabot sa mahigit P120 milyon ang halaga ng bigas na ­nakumpiska kamalakawa ng umaga mula sa MV J-Phia.

Hinihinalang galing ang bigas sa Malaysia. Pumasok ito sa karagatan ng Tawi-Tawi, tumawid sa Sulu Sea at inilipat sa naturang barko na ­lumayag naman patungo sa ­Zamboanga ­Sibugay.

Hindi pa mabatid kung sino ang may-ari ng mga bigas at kung sino ang supplier o buyer nito. Tikom rin ang bibig ng mga crew ng nasabing barko.

Patuloy naman ang imbestigasyon ukol dito dahil wala umanong mga papeles o dokumento ang mga bigas. Naabisuhan na rin ang Bureau of Customs (BOC) ukol sa mga ito.