Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

600 kilong siomai na may ASF sinunog

0 55

Abot sa 600 kilo ng karne ng baboy na umano’y kontaminado ng African Swine Fever (ASF) ang kinumpiska at sinunog sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte.

Ayon kay Provincial Veterinarian Office officer Dr. Loida Valenzuela, nasabat ang mga karne sa isang barangay na papasok sa Badoc galing ng Bulacan.

Hindi umano pareho ang dokumentong ipinakita ng driver ng truck at mismong produktong nakumpiska.

Ayon kay Jeson Mamuad, livestock inspector, ang mga karne ng baboy na kinumpiska ay may label na ‘beef siomai’.

Bukod sa mga karne, may karga ring mga tsinelas at plastic ware ang truck.

Agad sinunog ang mga pork product sa disposal area ng Badoc. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.