Una sa Balita

600 kilo ng isda ‘nalunod’

0 458

Kakulangan sa oxygen content ng tubig at mataas na temperatura ang nakitang dahilan ng pagkamatay ng nasa 600 kilo ng isda sa South Road Properties Pond A sa Cebu City.

Nakolekta sa lugar ang daan-daang tilapia at bangus mula sa fish pond na kahit nasa tubig ay nawalan umano ng hangin kaya nagresulta sa fish kill noong Oktubre 3.

Batay sa ginawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Central Visayas sa fish sample at laboratory result sa water sample ng Pond A, may nakitang mababang bacteria content at mababang dissolved oxygen na sukatan ng dami ng oxygen na nakahalo sa tubig.

Pinatunayan ng resulta na hindi nagmula sa bacteria ang pagkamatay ng mga isda kundi sa kawalan ng hangin.

Nakitaan din ang tubig sa pa­laisdaan na may mataas na content ng ammonia kaya ipinagbaba­wal ang panghuhuli ng isda sa pala­isdaan dahil hindi tiyak kung ligtas itong kainin. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy