Una sa Balita

60 sentimong rollback sa diesel, 65 sa gasolina

By
0 1,330

NAKATAKDA diumanong magpatupad ng panibagong rollback sa pres­yo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong linggong ito.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa oil industry source, magla­laro sa P.60 sentimo kada litro ang posibleng ipatupad na tapyas sa presyo diesel habang nasa P0.65 sentimo naman ang ikakaltas sa kada litro ng gasolina.

Katulad ng naunang oil price rollback noong nakaraang linggo, dahilan din umano ito sa panibagong galaw sa pres­yo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Ito’y matapos ihayag ng Russia na magpapatupad sila ng malawakang produksiyon ng kanilang produktong langis para mapunan ang supply nito sa pandaigdigang pamilihan.