Una sa Balita

60 sentimo taas presyo sa diesel

By
0 115

MAY dagdag na gastos na naman ang mga moto­rista dahil sa muling pagpapatupad ng oil price hike ng mga kompanya ng langis sa bansa na epek­tibo ngayong Martes, Agosto 28.

Pinangunahan kahapon ng PTT Philippines, Pilipinas Shell, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, Total at Seaoil ang dagdag presyo na P0.10 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro ng diesel, at P0.45 kada litro ng kerosene na epektibo kaninang alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag bawas sa mga pres­yo ng produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.