Una sa Balita

60 illegal Chinese worker buking sa Kalinga

0 290

NATUKLASAN ng Department of Labor and Employment-Cordillera Administrative Region (DOLE-CAR) ang 60 Chinese national na nagtatrabaho nang walang alien employment permit sa Chinese contractor ng P4.37 bilyon Chico River Pump Irrigation Project (CRPIP).

Ayon kay DOLE-CAR regional director Exequiel Ronnie Guzman, sa kanilang ginawang inspeksyon, nabatid na ang Chinese contractor ng CRPIP ay hindi kumuha ng special contractor’s license mula sa Office of the President para payagan na magsagawa ng nasabing proyekto na mayroong mga dayuhang contract worker na walang permit.

Dagdag pa ng opisyal, kung ang contractor ay bigong makapagpakita ng alien employment permit para sa 60 Chinese national ay ipapaalam na nila ito sa Bureau of Immigration and Department para sa angkop na mga parusa laban sa mga ito, kabilang na ang posibilidad na pagpapa-deport sa mga ito.

Ayon kay Guzman, hindi lahat ng Chinese workers sa nasabing proyekto ang mabibigyan ng permit dahil sa kailangan ng mahigpit na pagsusuri.

Sinabi pa ni Guzman, bagama’t may pinakitang special contractor’s license pero ang layunin nito ay sa sewerage project sa Quezon City at hindi sa irrigation project.

Kaugnay nito, nabigo rin umano ang Chinese contractor na sumunod sa occupational health and safety standard, inatasan din ito na magpakita ng kanilang construction safety and health plan sa gagawing hea-ring sa B­aguio City para hindi mapigil ang multi-bilyong irrigation project. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy