Una sa Balita

60-anyos na lolo nagbigti sa depresyon

By
0 518

NAGPAKAMATAY ang isang senior citizen matapos magbigti sa loob ng kanyang bahay dahil sa depres­yon noong Linggo sa Barangay Nagbacalan, Batac City, Ilocos Norte,

Kinilala ni Batac City Police Station (BPS) De­puty Commander Sr. Insp. Dionicio Baldillo, ang biktima na si Constantino dela Cruz, 60, tubong Pinili, Ilocos Norte pero kasalukuyang naninirahan sa Barangay Nagbacalan, Batac City.

Sinabi ni Baldillo na depresyon ang tinitingnang anggulo kung bakit nagpakamatay ang biktima.

Nalaman na si dela Cruz ay na-deport mula sa Hawaii matapos masangkot sa iligal na droga at nilayasan ang kanyang pamilya sa nasabing bansa.

Nawalan na umano ng komunikasyon ang biktima sa pamilya nito sa Hawaii at marahil ito ang matinding problema na dinadala ng matanda kaya nagpakamatay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy