Una sa Balita

6 tatakbo sa Abalos Trophy Race

0 265

ANIM ang nakalistang batang kabayo sa magaganap na Mayor Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race na ilalarga sa February 16 sa Metro Turf, Malvar-Tanuan City, Batangas.

Kabilang sa mga lalahok ang Heneral Kalentong, Maysilo, Lucky Savings, Parokya Ni Paolo, Radio Gaga at Westpointer.

Magkakaskasan ang mga future champions sa distansyang 1,600 meter race.
May guaranteed na P750,000 ang cash prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Tatanggap rin ng trophy ang winning owner, trainer at jockey sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM)

Wala pang hineteng nakatoka, malalaman ito bago ang takdang araw ng karera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More