Una sa Balita

6 suspek tinutugis: Ama binaril sa harap ng anak

0 508

Pinaghahanap nga­yon ng Pasig police ang anim na hindi pa nakikilalang suspek matapos barilin sa harap pa ng dalagitang anak ang 48-anyos na ama sa hindi pa malamang dahilan, Martes nang umaga, sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), dead-on-arrival sa Alfonso Hospital ang biktima na si Rommel Feliciano alyas Jeck, residente ng Rodriguez Compound ng nasabing barangay.

Ayon sa report, naganap ang insidente alas-8:40, Martes nang umaga, sa loob ng bahay ng biktima habang nanonood ng TV kasama ang 15-anyos na anak.

Nagulat umano sila nang biglang pumasok sa bahay ang anim na lalaki na pawang mga nakasuot ng itim na jacke­t, face mask at cap at agad na binaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patu­ngong C. Raymundo Ave., Brgy. Rosario at iniwang nakabulagta ang biktima habang hindi naman sinaktan ang anak ng biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up ope­ration ang Pasig City police para matukoy ang mga suspek at dahilan ng pagpatay sa biktima. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More