Una sa Balita

6 surfer sa La Union timbog sa umano’y shabu

0 354

Kalaboso ang anim na lifeguard-surfer matapos silang maaktuhang sumisinghot ng pinaghihinalaang shabu sa isang cottage sa baybayin ng Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union noong Huwebes.

Ang mga inaresto ay nakilalang sina Melvar Curioso, 26, ng Barangay Pulino, Bacoor, Cavite; Crisanto Villanueva, 23, ng Barangay Raois, Bacnotan; Jericho Teruel, 20, ng Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union; Jonel Villaruel, 23; Ernest Dumaguin, 23; Anthony Valdez, pare-parehong mga lifeguard-surfer ng isang beach resort ng Barangay Urbiztondo, sa nasabing bayan.

Sa inisyal na report, sinabi ng San Juan Police Station (SJPS), may tumawag sa kanilang tanggapan na mga concerned citizen ng Barangay Urbiztondo at sinabing ang mga suspek may mayroong pot-session ng shabu.

Ayon sa tipster, sinabi ng SJPS, nagtatawanan pa umano ang mga suspek habang sumisinghot ng shabu.

Dito, agad na umaksiyon ng SJPS anti-drug unit at naaktuhan ang mga suspek na ang ilan sa kanila ay hawak pa ang drug paraphernalia habang nagsasagawa ng pot-session.

Nakumpiska sa mga suspek ay mga ilang gramo ng shabu, improvised glass tooter at sila ay binitbit sa SJPS.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakakulong sa SJPS detention cell. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy