Una sa Balita

6 sundalong napatay sa NPA encounter pinarangalan ni Duterte

0 569

PERSONAL na ginawaran ng Pangulong­ Rodrigo Duterte ng ‘Order of Lapu Lapu’ ang anim na sundalo na napatay sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Borongan, Eastern­ Samar.

Sila ay pinagkalooban ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag, posthumously sa Camp General Vicente Lukban sa Catbalogan City dahil sakanilang kabayanihan sa pagsisilbi sa bayan.

Kinilala ang mga sundalong napatay sa engkuwentro nitong Nobyembre 11 na sina Staff Sergeant Rex Jadulco, Sergeant Ronaldo Go, Sergeant Limar Banug, Corporal Junmar Buranday, Corporal Kent Lloyd Agullo, at Private First Class Charlie del Rosario.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Pangulo sa mga naulila ng mga biktima na sa ngayon ay nakaburol sa Camp General Vicente Lukban, Catbalogan City, Samar.

Sa report, 24 na sundalo rin ang nasugatan sa nangyaring engkuwentro sa NPA ang ginawaran din ng Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan, kung saan 16 pa sa kanila ang naka-confined sa Camp Lukban Station Hospital. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy