Una sa Balita

6 sundalo, nadale ng Sayyaf

By ,
0 1

ZAMBOANGA CITY — Patay ang isang sundalo at sugatan ang limang iba pa matapos silang masa­bugan ng improvised explosive kahapon sa magulong lalawigan ng Basilan sa Muslim autonomous region sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng militar, naganap ang atake sa ba­yan ng Tipo-Tipo kung saan ay patuloy ang opensiba ng mga sundalo laban sa Abu Sayyaf. Hindi naman agad mabatid kung may kasamang Indonesian o Malaysian jihadists ang Abu Sayyaf sa pananalakay nito sa mga sundalo.

Naunang nanawagan ang Islamic State sa supporters nito sa Southeast Asia na magtungo sa Pilipinas at doon makipaglaban upang maitatag ang sariling estado kung nahihirapan silang pumasok sa Syria o Iraq.

Walang ulat kung may nasawi sa panig ng Abu Sayyaf sa naturang atake ngunit sa propaganda ng militar ay sinabi nitong umabot na sa 40 ang napapatay at marami pang sugatan sa kabilang grupo sa opensiba sa Basilan at Sulu na nagsimula nitong buwan, ngunit wala naman maipakitang bangkay ng mga kalaban ang mga commanders at pulos intelligence reports lamang.