Una sa Balita

6 sa robbery hold-up group dedbol sa Cagayan encounter

By
0 392

PATAY ang anim na miyembro ng isang grupo ng mga holdaper na bumibiktima ng mga 10-wheeler truck at iba pang sasakyan sa Cagayan matapos ang engkuwentro laban sa pulisya nang malambat sa checkpoint ang mga suspek kamaka­lawa ng gabi sa Bara­ngay Magapit sa ­bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Sa ngayon ay ina­alam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng anim na nasawi habang naaresto ang isa pa nilang kasama na si Reyes Duyao, 34-­anyos, na nakuhanan pa ng ilang sachet ng shabu.

Sa inisyal na ulat kay Sr. Supt. Warren Tolito, provincial director ng Cagayan-PNP, nasabat ang mga suspek kamakalawa ng gabi sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Magapit matapos ang ulat na sunod-sunod na pagnanakaw ng grupo sa natio­nal road sa Brgy. Bicud kung saan biniktima ng mga ito ang isang 10-wheeler truck, tinangayan ng hala­gang P3,000 ang drayber at P1,000 naman sa pahinante.

Isa namang Nissan Terrano ang sinunod na biniktima ng grupo at sinamsam ang hindi pa batid na halaga ng pera sa drayber nito, dala­wang gintong kuwintas, mga cellphone, driver’s license at mga importanteng dokumento.

Ang pangyayari ay agad namang naitawag sa awtoridad at agad nagkasa ng checkpoint ang puwersa ng Lal-lo police at Regional ­Mobile Force Battalion.
Pagdaan ng sasak­yan ng mga suspek sa lugar ay agad itong pinara ng mga pulis subalit imbes na mapayapang sumuko ay nakipagpalitan pa ng ­pu­tok na ikinamatay ng anim. Nakuha pang makatakas ni Duyao subalit nadakip din ito matapos ang maikling habulan.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang P140,000 halaga ng pera, 12 cellphone at iba’t ibang mga baril na ginamit ng mga ito sa pakikipagbarilan.

Dinala ang bangkay ng mga suspek sa EM Funeral Parlor habang ang nadakip na suspek ay sinampahan na ng patong-patong na kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy