Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 sa private armed group sumuko

0 147

Anim na miyembro ng isang private armed groups (PAG’s) sa lalawigan ng Maguindanao ang sumuko kasama ang kanilang mga malalakas na armas kamakalawa sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Philippine National Police chief General Debold Sinas ang sumukong PAG’s member na sina Bobby Pananggalan, dating kapitan ng barangay Indatuan, Northern Kabuntalan na siyang lider ng grupo; Ket Guiaman; Amirudin Talitay; Norodin Andikat; Panoy Cantero; at Tol Amilon.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Sinas, sumuko ang mga ito kamakalawa kay Police Regional Office- Bangsamoro Autonomuos Region Director Brig General Samuel Rodriguez sa Camp BGen. Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao.

Kasamang isinuko ng anim ang malalakas nilang arams na kinabibilangan ng isang Mini Uzi Caliber 9MM; M14 Rifle; Home-made M79 grenade launcher; Home-made Shotgun; Home-made Sniper Rifle; mga pangmalakasang magazine at ammunition. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.