Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 sa mobile car niratrat, patrolman nasapol

0 140

SUGATAN ang isang patrolman nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong grupo na nang-ambush sa kanilang sasakyan sa Indanan, Sulu noong Biyernes ng gabi.

Sa report nangyari ito sa Sitio Baunoh sa Barangay Tagbak ganap na alas-7:30 ng gabi, ayon sa Indanan Municipal Police Station (MPS).

Tinukong ang nasugatan na si Patrolman Ibrahim, ng 1402nd Regional Mobile Force Battalion Basulta.

Ayon sa pulis, ang mga tauhan ng 1402nd RMFB Basulta sa pangunguna ni Patrolman Sanaani Julmunir at anim na iba ay sakay ng patrol car papunta sa Maimbung MPS sa Jolo nang paputukan ang mga ito.

Agad namang nagtungo ang iba pang pulis at mga sundalo sa lugar pero tumakas na ang mga suspek.

Isinugod naman sa ospital at nagpapagaling ngayon si Ibrahim. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.