Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 sa drug watchlist laglag sa buy-bust

0 137

Anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang umano sa drug watchlist ng pulisya ang dinampot sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Remus Medina, nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Junaid Mopum, 31-an­yos; Remal Gaos, 33; Saad Saleling, 22-anyos; Asmawel Tuma, 32 anyos; at Matitim Saed, 38 anyos, mga residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sinabi ni Holy Spirit Police Station (PS-14) commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro na bandang ala-1:30 ng madaling-araw noong Huwebes Santo nang ilatag ang operasyon laban sa mga suspek sa Garcia Compound, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Nakumpiska sa kanila ang 70 gramo ng umano’y shabu na nagkakaha­laga ng P476,000 at buy-bust money.

Samantala, dinakip naman ng Talipapa Police Station (PS-3) si Leonardo Oreta, 59 taong gulang, ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City nang makumpiska sa kanya ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 sa ikinasang drugbust sa Taurus st., Brgy. Tandang Sora. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.