Una sa Balita

6 sa 10 Pinoy: Matutupad ang PDU30 promises — SWS

By
0 6

Malaki ang sampalataya ng 6 sa 10 Pinoy na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangako nito sa kanyang administrasyon, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).

Sa naturang survey na isinagawa ng SWS noong Hunyo 24 hanggang 27 sa may 1,200 respondents ay 63% sa mga ito ang nagsabing naniniwala silang magagawa o matutupad ni Pangulong Duterte ang karamihan sa mga ipina­ngako nito kundi man lahat.

Samantalang 32% naman sa mga respondents ang nagsabing ilan lang ang maisasakatuparan sa ‘Duterte promises’ habang 1% ang nagsabing wala itong magagawa habang 3% ang hindi makapagdesisyon.

Sa Mindanao pinakamataas ang pag-asa sa Pangulo na umabot sa 75% habang 66% sa Metro Manila, nasa 60% naman sa Luzon at 54% sa Visayas Region.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang resulta ng survey, ayon kay Communications Sec. Martin Andanar.