Una sa Balita

6 rebelde todas sa Sulu

0 459

PATAY ang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), kabilang ang da­lawang sub-leader, sa isinagawang da­lawang araw na operasyon ng militar sa Sulu ayon sa ulat ng opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Unang naganap ang engkwentro ng mga bandido at mga sundalo sa Sitio Itum, Brgy. Kabbuntakas, Patikul, Sulu dakong alas-2:40, Sabado nng hapon kung saan napatay ang isang miyembro ng ASG na nakilala lamang sa alyas na ‘Jailade’, at ikinasugat ng apat na iba pa matapos ang 45 minutong pa­litan ng putok.

Naganap naman ang ikalawang bakbakan sa Sitio Huton, Mahablo, Brgy. Silangkan sa Indanan, Sulu dakong alas-3:30, Linggo nang hapon na ikinasawi ng limang miyembro ng ASG kabilang ang dalawa nilang sub-leader.

Kabilang sa nasawi sa ikalawang engkwentro ay si Sibih Pisih, sub group leader ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Radullah Sahiron.

Sangkot umano si Pisih sa mga pag-kidnap sa boundary ng Tawi-Tawi at Sabah, Malaysia, bukod dito ay mayroon itong 22 pending warrant of arrest dahil sa pagmasaker sa 22 sibil­yan sa Talipao, Sulu noong taong 2014.

Kabilang pa sa mga napatay na miyembro ng ASG ay nakilalang sina Saipal Reny, Melvin Reny at Taihal Sabtal habang dalawang sundalo naman ang bahagyang nasugatan sa ikalawan engkwentro na ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More