Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 PVL koponan larga sa praktis

0 188

MAY go signal na ang anim na koponan sa Premier Volleyball League para simulan ang team practice sa susunod na buwan.

Ayon kay PVL president Ricky Palou, aprub na sa Games and Amusement Board (GAB) at LGU ang ensyao ng anim na koponan.

Sasabak ang Creamline, Choco Mucho at Perlas Spikers sa Ronac Gym habang ang PetroGazz naman ay sa The Arena sa San Juan.

Ang bagong salta namang Peak Form ay lalarga sa Greenhills kasama ang Balipure.

Kasalukuyan nang iniinspekyon ng GAB ang napiling training facility ng PLDT na San Sebastian College Gym at ang Cignal team sa Paco Arena.

Bagamat may go signal na, istrikto pa rin ang liga pagdating sa health protocol nang ianunsyo nila na apat hanggang 5 manlalaro lang ang puwedeng mag-training bawat session. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.