Una sa Balita

6 pusher kulong sa Marikina

By
0 60

KULUNGAN ang bagsak ng mga kilabot na tulak ng Marikina matapos ang ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na barangay, kahapon nang hatinggabi sa Marikina City.

Nakilala ang mga naarestong tulak na sina Patrick Salazar, 18-anyos; Beljhun Dela Cerna, 25; Raquel Lape, 42; Yenny Marie Reyes, 38; Eliza Doi, 48, at Christopher Cedeño, 31, pawang mga residente ng lungsod.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 11 (possession) at 5 (selling) Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.