Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 probinsya itinaas sa Alert Level 3

0 140

Isinailalim ngayon sa Alert Level 3 ang anim na probinsya matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ayon kay acting spokesperson Karlo Nograles, ang anim na probinsya ay kinabibilangan ng Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.

Sinimulan kahapon, Jan. 28, ang pagtaas ng alert level at magtatapos hanggang Pebrero 15.

Magtatapos naman ang Alert Level 3 sa Metro Manila sa darating na Enero 31. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.