Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 preso pumuga sa Albay

0 214

Kinasa ng pulisya ang manhunt operation para sa agarang pagbabalik sa kulungan ng anim na presong nakatakas sa Tabaco City District Jail sa lalawigan ng Albay, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga tumakas na preso na sina Eric Belmil Barrameda (homicide), Kevin Bayani Braga (child abuse), Glen Agripa Balmedina (statutory rape), Rodney Pangantihon Cagud (carnapping), at sina Alfonso Bonete Caneta at Benjamin Apellado Reyes Jr. na kapwang may kasong murder.

Ayon sa ulat ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, nadiskubre ang pagtakas ng mga preso sa Tabaco City District Jail sa Brgy. San Lorenzo sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ng nabatid na piitan na posibleng sinamantala ng mga preso ang oras ng pananghalian at umakyat ang mga ito sa perimeter fence ng kulungan na hindi napansin ng mga bantay.

Nalaman lang ang pagkawala ng mga preso ng magkaroon na ng head count pagsapit ng hapon.

Sa ngayon ay nakaalarma na sa buong kapulisan sa Bicol region ang nasabing pagpuga ng mga preso at patuloy ang pagtugis sa kanila. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.