Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 Pinoy rider aarangkada

0 59

MAGTUTUNGO ang binubuong mga pinakabatang road riders ng bansa na ‘Go for Gold Continental Team’ bilang parte ng kanilang exposure para sa gaganapin sa susunod na taon na 31st Vietnam Southeast Asian Games (SEA) sa Disyembre sa Thailand.

Sinabi ni Go for Gold team head coach Edz Hualda na magpapadala ito ng anim na riders na bubuo sa koponan sa pagsali sa Tour of Thailand na gaganapin sa Disyembre.

Nakatakdang pangalanan ng pamunuan ng koponan ang anim, dalawang linggo bago magtungo sa Thailand.

Magsisilbi na exposure ng mga national riders ang pagsabak sa Tour of Thailand para maiging masala kung sino ang karapat-dapat na maipadala ng Pilipinas sa Vietnam SEA Games na gaganapin sa Mayo 2022. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.