Una sa Balita

6 Pinay na papunta sa Lebanon hinarang ng Immigration

0 363

HINDI nakalusot ang anim na Pinay sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa international airport ng Iloil­o matapos maharang ang mga nang tangkain nilang umalis ng bansa papuntang Lebanon.

Sa ulat na ipinara­ting kay BI Commissioner Jaime Morente, naharang ang mga Pilipina sa departure area ng Iloilo International Airport (IIA) noong Disyembre 1.

Pasakay na sana ang mga biktima sa Cebu Pacific flight patungong Hong Kong bago sila pumunta sa Beirut, Lebanon kung saan iligal silang ni-recruit para magtrabaho bilang domestic helper.

“Upon arriving in Hong Kong they were supposed to board their connecting flight to Beirut and end up workin­g there as household service workers (HSWs) without the appropriate overseas work permits,” ayon sa ulat.

Nabatid na isang concerned citizen ang tumawag sa Inter-Agency Council Against Traffickin­g (IACAT) 1343 action line upang ipaalam ang impormasyon sa tangkang trafficking.

Kalaunan, inamin ng anim na bibiyahe sana sila patungong Lebanon para magtrabaho nang walang balidong dokumento.

Anila isang ‘Alfred’ ang nagproseso ng kanilang travel documents at work visas na iaabot sana sa kanila pagdating ng Beirut.

Dinala naman ang anim sa IACAT Sa Region 6 para sa tulong at karagdagang imbestigasyon.

Kasabay nito, umapela si Morente sa publiko na i-report ang mga posibleng kaso ng human trafficking. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More