Una sa Balita

6 PCG, Marina official sinibak ng DOTr

0 220

Iniutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagsibak sa mga opis­yal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) sa Western Visayas kasunod ng nangyaring trahedya sa tatlong motor banca na lumubog sa Iloilo-Guimaras Strait at kumi­til ng 31 buhay.

Ginawa ito upang mabigyang daan ang gagawing imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Sakali umanong matuklasan na mayroong pananagutan ang mga opisyal ay maghahain ang kagawaran ng karampatang kaso laban sa kanila.

Kabilang sa mga sinibak sina Perlita P. Cinco; Joe Luviz V. Mercurio; Felixberto M. Salibio Jr.,; Ricky John Eric V. Mijares ng PCG District Western Visayas; Marina Director Rizal J. Victoria, Marina Regional Office VI (MRO-6) at Section Head Juliet S. Nacion, MRO-6 Franchising Section.

Nangako naman si Tugade na mabibigyan ng tulong ang mga miyembro ng pamilya ng mga biktima na nasawi sa insidente.

“Tutulong tayo na mabigyan ng trabaho sa PPA, MARINA at Coast Guard ang mga miyembro ng pamilya ng mga biktima. Maliit na tulong lamang ho ito, ngunit nais ho naming maramdaman nila na narito ang gobyerno para sa kanila,” ani Tugade. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy