Una sa Balita

6 patay sa pananalasa ng hurricane Michael sa North Carolina

0 70

ANIM katao ang na ang naitalang patay sa pananalasa ng hurricane Michael sa North Carolina.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang isinasagawang search and retrieval operation.

Mahigit sa 350,000 kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa hagupit ng bagyo.

Abante Hiring – IT dep

Aabot naman sa 486,000 na mga kustomer ang nawalan ng Internet connections sa Florida, Alabama, Georgia at Carolinas.

Winasak din ng category 4 hurricane Michael ang dinarayong Mexi­co beach.

Inilikas naman ang mga pasyente sa dalawang pangunahing ospital sa Panama City, Florida matapos salantain ng bagyo.

Ayon kay Brock Long, namumuno ng Federal Emergency Management Agency, total wipeout ang na­sabing Mexico beach at itinuturing na ground zero.

Matapos manalasa sa Panhandle, sunod na winasak ni hurricane Michael ang Georgia at North at South Carolina.

Sarado pa rin sa motorista ang mga pangunahing daan at inabisuhan ang resident na huwag munang lumabas ng kanilang mga tahanan dahil patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan at nagresulta sa matinding pagbaha.

Samantala, tiniyak naman kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mabuting kalaga­yan ang nasa 3,000 Pinoy nakabase sa naturang lugar.

Kinumpirma ito sa report sa DFA ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Nabatid na may ibang Pinoy ang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay para na rin sa kanilang seguridad.

Napag-alaman na nasa 232,000 Pinoy ang naninirahan sa Florida, Alabama, Georgia, North at South Carolina ang pinayuhang mag-ingat at maging alerto para na rin sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang isinasagawang monito­ring para maalalayan ang mga ito. (Armida Rico)