Una sa Balita

6 patay sa Kabul hotel attack

By
0 1,491

Sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang isang luxury hotel na ikinasawi ng anim na katao kabilang ang isang dayuhan sa halos 12-oras na pakikipagbarilan sa mga security forces na naghatid ng matinding takot sa mga guest lalo na’t nasunog din ang ilang bahagi ng hotel sa Kabul, Afghanistan.

Napatay ng Afghan security forces ang apat na attackers, ayon kay interior ministry spokesman Najob Danish. Marami sa mga hotel guests ang gumapang papaakyat ng balkonahe para makalabas ng hotel.

“The attack is over,” sabi nito.”Five Afghans and one foreigner have been killed,” sabi naman ni interior ministry deputy spokesman Nasrat Rahimi sa AFP.

Umaabot sa 150 katao ang nailigtas kabilang ang mahigit 40 foreigners.

“The body of the foreigner, a woman, was recovered from the sixth floor as the last attacker was being killed,” he added.

Sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang hilltop Intercontinental Hotel noong Sabado ng gabi at mabilis na nagpaputok ng baril sa mga guesst kung saan may idinaraos na conference sa information technology. May isang dosenang ang katao ang hinostage ng grupo.

Nakita sa Tolo broadcast news ang makapal na usok mula sa six floor ng hotel kung saan nagpulasan ang mga tao gamit ang bedsheets para makatakas sa balcony.

Wala pang umako na grupo sa nangyaring paglusob sa Intercontinental Hotel. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy