Una sa Balita

6 paslit, 9 pa dedo sa Syrian air strike

0 233

ANIM sa 15 kataong nasawi nitong Sabado, Hulyo 13 sa serye ng pag-atake ng Russia sa Syria ay mga paslit.

Ang karamihan sa napatay na mga bata ay bunsod ng ginawang pagpuntirya ng Russian aircraft sa informal camp ng mga Syrian, ayon sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights.

Ang inatakeng kampo ay matatagpuan sa bayan ng Khan Sheikhoun, sa Idlib region na tirahan ng mga tumakas na Syrian.

Kasama rin sa napaslang ay ang isang buntis at kanyang mister.

Natagpuan ng mga volunteer ang bangkay ng ginang katabi ang wala nang buhay na bagong silang na sanggol na naka­kabit pa ang pusod.

Lumalabas sa datos ng Observatory na umabot na sa 590 sibilyan ang napatay sa mga air strike ng Russian at Syrian forces.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy