Una sa Balita

6 nadale ng pumalyang ride sa perya

0 461

SUGATAN ang anim na katao, kabilang ang tatlong menor de edad matapos na mag-collapse ang sinasakyan nilang ride sa isang peryahan sa Legaz­pi City, Albay, Sabado nang gabi.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima na nakilalang sina Mateth Lopez, 59-anyos; Angyeta Balong, 40; Monica Herrera, 22; at tatlong iba pa na may edad 6, 8, at 13. Sumailalam na ang mga ito sa pagsusuri.

Ayon kay Lt. Col. Aldwin Gamboa, hepe ng Legazpi City Police Office, dakong alas-nuwebe nang gabi nang maganap ang insidente sa isang peryahan na matatagpuan sa Landco Business Park sa Barangay Capantawan ng lungsod na ito.

Nabatid na sumakay ng spinning swing o tinatawag na St. Lukes Merry Mixed Up ang mga biktima nang magkaroon ng problema ang ride dahilan upang bumagsak ito.

Suwerte namang hindi malala ang pinsala sa mga biktima.

Samantala, nangako naman ang may-ari ng karnabal na sasagutin ang lahat ng gastusin sa ospital ng mga biktima habang pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Legazpi City ang establisimyento upang masuri ang iba pang mga ride para hindi na maulit ang nasabing pangyayari. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy