Una sa Balita

6 na negosyong walang permit kinandado sa Baguio City

0 239

ISINARA kahapon ng mga awtoridad sa pamumuno ni Baguio City Mayor Bajamin Magalon ang anim na establisyemento na umano’y nagsasagawa ng ope-rasyon nang walang kaukulang permit.

Sa datos mula sa Baguio City Police Office (BCPO), ang mga business establishment ay apat na restaurant, isang vape shop at isang sari-sari store.

Sinabi ng alkalde na sinabihan na umano ang mga may-ari ng establisimento na kumuha na sila ng permit ngunit hindi sila sumunod dito.

Mismong si Magalong ang naglagay ng karatulang “Closed” sa harap ng istablisimento at pinag-locked ang kanilang pintuan.

“We’ve given you enough time to vacate so pasensiya na kayo but you have to vacate. We have to implement the law. Sana sumunod kayo. Otherwise, kung hindi kayo susunod, magkakaroon tayo ng malaking problema,” ani Magalong, na retiradong opisyal ng Philippine National Police.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy